Search
Close this search box.

Ang araw ng Paghuhukom

Sinasampalatayanan namin na muling paririto si Cristo. Siya mismo ang nangako na Siya ay magbabalik (Juan 14:1-3). Ang pangakong ito ay ipinahayag din ng mga apostol (I Tes. 4:15-16). Iniuutos sa mga kaanib sa Iglesia na paghandaan ang ikalawang pagparito ni Cristo sapagkat walang nakaaalam ng tiyak na araw at oras ng Kaniyang pagbabalik—maliban sa Diyos, ang Ama (Mat. 24:36, 42, 44).

Subalit, nagbigay si Cristo ng mga palatandaan na naghahayag na malapit na ang Kaniyang muling pagparito at ito ay mga digmaan, kagutom, lindol sa iba’t ibang dako, at gayundin ang paglaganap ng kahirapan at kasamaan na magiging dahilan ng panlalamig ng pag-ibig sa Diyos ng marami (Mat. 24:6-8, 12).

Ang ikalawang pagparito ni Cristo ang siyang Araw ng Paghuhukom at paglipol sa mga taong masama. Sa araw na iyon, ang kalangitan ay mapaparam kasabay ng malaking ugong at ang mga gawang nasa lupa ay mapupugnaw at masusunog (II Ped. 3:7, 10). Magiging napakapait ng pagtangis ng mga tao sa araw na iyon ng Panginoon, na anupa’t maging ang matatapang ay tatangis. Ang pilak o ginto man ay hindi makapagliligtas sa tao sa araw ngkapootan ng Panginoon (Zef. 1:14, 18).

Link 1

RELATED LINK

Link 3