Search
Close this search box.

Ang Iglesia at ang kaligtasan

Sumasampalataya kami na ang pag-anib sa Iglesia Ni Cristo ang tanging kaparaanan para ang tao’y maligtas. Lahat ng tao ay nangangailangan ng kaligtasan dahil ang lahat ay nagkasala at nakatakdang ibulid sa dagat-dagatang apoy, na siyang kabayaran ng kasalanan (Roma 5:12; 6:23; Apoc. 20:14). Upang ang tao’y maligtas, kailangang pumasok siya kay Cristo sa paraang maging sangkap o kaanib sa Kaniyang katawan na siyang Iglesia (Juan 10:9; I Cor. 12:27; Col. 1:18), sapagkat ang ililigtas ni Cristo (Efe. 5:23) ay ang Kaniyang Iglesia.

Hindi ililigtas ni Cristo ang sinumang wala sa loob ng Iglesia Ni Cristo dahil labag ito sa batas ng Diyos. Hinihingi ng Kaniyang batas na kung sino ang nagkasala ay siyang magbabayad ng kaniyang sariling kasalanan (Deut. 24:16; Apoc. 20:14).