Ang pagrerelihiyon na may kabuluhan

Kapag ang isang relihiyon ay hindi ang Ama ang kinikilalang iisang tunay na Diyos, walang kabuluhan ang isinasagawa roong paglilingkod sa Diyos, at huwad ang relihiyong iyon.
Kung Bakit May Naliligaw Sa Pagpili Ng Relihiyon

Tinatanggap ng marami na mahalaga ang relihiyon sa buhay ng tao. Ito ang dahilan kaya pinipili niya ang relihiyong kaniyang aaniban sa pag-asang magawa niya ang tamang paglilingkod sa Diyos. Hindi gugustuhin ng sinuman ang magkamali at maligaw sa pagpili ng relihiyon, subalit bakit nga ba may mga naliligaw sa pagpili ng relihiyon?