“ANO ANG KAIBAHAN niyan?” Ito ang karaniwang itinatanong ng iba patungkol sa Iglesia Ni Cristo. At hindi naman natin sila masisisi sapagkat talagang makatuwiran na itanong kung ano ang ikinaiiba ng Iglesia Ni Cristo sa ibang mga relihiyon.
Ang kalipunan ng mga aral na itinataguyod ng isang organisasyong pangrelihiyon ay napakahalaga sa pagsukat kung anong uring relihiyon ito. Ang relihiyong itinuturing ng Diyos na karapat-dapat ay ang sumusunod sa Kaniyang mga aral na nakasulat sa mga Banal na Kasulatan.
Ito ang ikinatatangi ng Iglesia Ni Cristo sa ibang mga relihiyon. Matapat nitong pinanghahawakan ang mga aral ng Biblia na naghahatid sa tao sa tamang daan. Narito ang isang maikling paglalahad ng mga pangunahing aral na sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo tungkol sa mga sumusunod na paksa:
News
Directory
Contact Us
Terms and Privacy Policy
© Copyright Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) 2024. All rights reserved.