Search
Close this search box.

Ang Panukala ng Diyos Sa Ikabubuti ng Tao

Hindi maipangangahas ng tao ang kaniyang sariling magagawa at hindi niya mapanghahawakan ang anumang katangiang taglay niya para bumuti ang kaniyang kalagayan. Upang ang tao ay mapabuti, wala siyang ibang dapat asahan kundi ang Diyos. Kailangang malaman at maunawaan niya kung ano ang panukalang inihanda ng Diyos sa ikabubuti ng tao at iyon ang kaniyang gawin.